Naniniwala ako na lahat tayo ay ipinanganak ng may tiwala sa sarili. Naalala mo ba ang mga araw kung saan hindi pa natin alam na gumagawa na pala tayo ng masayang memorya pero ang alam lang natin ay gumawa ng masasayang bagay tulad ng pagtakbo, o anumang laro pa iyan. Hindi mo alintana kung ano ang suot mo, kung anong araw na ito, ano ang kakainin mo sa araw na iyon, nadama mo ang masaya, masaya, nasiyahan sa buhay. At habang tumatagal na ang panahon ay nakakarinig ka na ng mga komento mula sa mga nakakatandang: '' Maaari mong gawin ito nang mas mahusay! '', '' Mukha kang payat, kumain ng higit pa! '', “bakit ang lamya mo?”, ' 'Bakit hindi mo magawa ito nang 100%?' “ Doon na nagsimula ang lahat…. Naging mahiyain ka, na may mindset na punong puno ng kritiko, nagsimula kang maniwala na hindi ka sapat, hindi gaanong matalino, hndi gaanong maganda… Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, mayroon akong isang positibong ...