FIVE HOME REMEDIES PARA SA MAY MGA IRREGULAR PERIOD
Karamihan sa mga kababaihan ay mayroong 28
na araw na pagitan ang pagdating ng dalaw. Ngunit hindi lahat ng kababaihan ay
ganito ang takbo ng kanilang siklo. Ang hindi pangkaraniwang siklong ito ay
maaaring senyales ng komplikasyon sa kalusugan.
Kailan nga ba itinuturing na hindi regular
ang iyong siklo? Ang regular na siklo ay umaabot ng 28 na araw, dagdag o bawas
ng pitong araw. Ang hindi pang karaniwang siklo ng regla ay kapag ang iyong
dalaw ay ilang beses mangyari sa loob lamang ng 21 na araw o kaya’y tumatagal
ng walong araw. Upang malaman kung pang karaniwan ba o hindi ang iyong regla,
magbilang mula sa huling araw ng iyong nakalipas na regla hanggang sa umpisa ng
iyong bagong regla. Gawin ito sa loob ng tatlong buwan at kung malayo ang
bilang ng iyong mga naitala, ikaw ay mayroong hindi pang karaniwang siklo ng
regla.
Luya
Ito
ay sobrang kapaki-pakinabang pagdating sa pagkontrol ng regla at makakabawas sa
sakit ng puson. Pakuluan ang nabalatang luya at isang basong tubig ng Lima
hanggang sampung minute tapos lagyan ng konting asukal o honey para magkalasa,
at gawin ito ng tatlong beses isang araw pagkatapos kumain sa loob ng isang
buwan o higit pa.
Carrot
juice o grape juice
Ang
prutas na carrot ay magandang pinagmumulan ng iron at nakakatulong upang
kontrolin ang paggana ng hormones. Samantala uminom ng grape juice araw araw
para maiwasan ang irigulidad ng period. Pareho itong tumutulong upang bawasan
ang panganib ng irregular na period.
Aloe
Vera
Ang
aloe Vera ay tutmutulong sa paggawa ng hormones na namumuno para sa
menstruation na makakatulong sna matugunan ang abnormal cycle sa regla. Kunin
ang aloe vera gel at ihalo sa 1 teaspoon na honey, inumin ito araw araw bago
kumain ng agahan sa loob ng tatlong buwan.Hindi lamang ito nakakapagpaayos ng
menstrual period dahil maaari rin itong lumunas ng iba’t ibang sakit.
Hindi
pa hinog na papaya
Tumutulong
ito para may irregular period sa pamamagitan magcontract ang muscle fibers sa
matris. Ito ay useful sa mga nagging irregular ang mens sa stress o menopause
na. Uminom ng papaya juice o kumain ng nahiwa ng green papaya ng mga ilang
buwan.
Paunawa
lang na huwag itong inumin kapag may mens.
Cinnamon
Ito
ay itinuturing na pinakaepektibong home remedy at nakakabawas ng sakit sa puson
dahil may init itong nadadala sa katawan. May kemikal ito na nakatutulong sa
pagkontrol ng insulin levels sa katawan. Kumuha ng ½ teaspoon na cinnamon
powder at ilagay sa isang basong tubig. Inumin ito araw araw sa loob ng ilang
lingo.
Comments
Post a Comment