Limang Pagkain na Dapat Iwasan Kainin kung Kayo ay Menopause Na




Ang kalusugan ay dapat pang pahalagahan habang tayo ay nadadagdagan na ng edad. Ang pagkain at inumin ay nakakaapekto sa pagharap ng isang babae sa Menopausal stage. Mahirap man iwasan ngunit kailangan, dahil may mga pagkaing nakakaapekto o nakakalala pa sa sistomas ng menopause. Ito ang mga pakain at inuming dapat iwasan kapag ikaw ay menopause na..

1.      maanghang na pagkain-

kapag kumakain ng maanghay ay makakaramdam ka ng init na nagpapakita ng pamumula ng iyong mukha, leeg, dibdib at kutis. Malimit ring namamawis at kapag nawalan ka ng maraming init sa katawan ay makakaramdam ka ng panlalamig.

 

2.      Ibat ibang klase ng alak

Minsan akala natin ay nakakatanggal na ng problema ang alak ngunit ang paginom nito ay may kadugtong rin palang problema. Makakaramdam ka rin ng mga sintomas katulad ng pagkain ng maanghang. Kailangan bawasan ang paginom ng alak upang mabawasan rin ang sintomas ng menopause

3.      Kape o soda

mahilig ka ba sa kape tuwing umaga? O malamig na soda samahan pa ng chichirya? Bawasan na ang iyong paginom ng kape at damihan na lang ang paginom ng tubig dahil ang kape ay nakakadagdag pa sa sintomas ng menopause.

 

4.      processed food

mahilig ka man sa mga processed food tulad ng chichirya o tocino dahil malasa ang mga ito? ngunit alam mo ba ang epekto nito ay nakakasama sa pangkalahatang kalusugan. May sangkap ang mga ito na sodium na nagpapanatili ng tubig sa ating katawan na makakapagparamdam sayo ng bloated at hindi komportableng pakiramdam. Subukang iwasan ang mga nakakaapekto sa iyong mood dahil ito ay mas nakasasama pa sa iyong kalusugan.

5.      mga pagkain na maraming taba-

ang mga taba ay nakakasanhi ng cholesterol at nakakadagdag ng tyansang magkaroon ng heart disease. Ang mga karne na may taba ay sinasabing nakakapagpababa ng serotonin levels na konektado sa depression na nararamdaman ng isang indibidwal o kaya naman iritado sa araw na iyon.

 ito ay mga posibleng iwasan na mga pagkain kung nanaisin lamang, walang pumipilit sa iyo na gawin ito pero kung gusto mo ay gawin mo dahil wala namang mawawala akapag ito ay nanaisin. Lagi lamang isaisip ang magandang kalusugan para humaba pa ang ating buhay!



--xoxo--

Comments

Popular posts from this blog

Mga Bagay Na Dapat Gawin bago Matulog sa Gabi!

SANAYIN ANG PAG-AALAGA SA SARILI PARA SA MAGANDANG KALUSUGAN!

Kutis Artista