Ano nga ba ang dapat gawin bago matulog? Feeling mo ba ay wala kang produktibong nagawa sa buong araw at kailangang may gawin sa gabi bago matulog para naman makabayad sa kawalang gawain ng buong araw? Ang gabi ay humahawak ng ilang sagradong oras na maaaring magamit para sa paghahanda ng iyong isip, katawan at kaluluwa para magkaroon isang mabuti at matagumpay sa susunod na araw. Alam ko na may mas madaling gawin bago matulog, umupo ka lang sa isang tabi at manood ng paborito mong koreanovela o kaya naman movie ngunit ipinapangako ko - upang maging isang matagumpay na tao na kailangan mong isakripisyo ang nagbibigay sayo ng ginhawa at kaunting aliw at umalis sa tinatawag na “comfort zone” para sa maganda at nakakagulat na resulta! Dahil nga hindi tayo masyadong lumalabas ngayon dahil sa nangyayari sa mundo, narito ang mga bagay na siguradong gagawin ang iyong araw na produktibo, buo at magigising ka pa sa sobrang saya ng pakiramdam! ...
Lagi ka bang nakakaramdam ng pagod stress? Lagi pang puyat? Masyado na tayong maraming naiisip kaya naman minsan hindi na napapansin ang isang importanteng bagay na kailangan pagtuonan ng pansin, ang pag-aalaga sa sarili. Ang pangangalaga sa sarili ay pagpansin sa pangkalahatang kalusugan mapa-pisikal man yan o mental sa pamamagitan ng pagrelaks, detox, paghahanap ng inspirasyon o pagkilala sa sarili pati na rin sa ibang tao. Kung uugaliin lang natin ang pag-aalaga sa ating sarili siguradong mapapanatili na natin ang pisikal at mental na kalusugan. Ang paglaan ng konting oras para sa mga gawaing nagbibigay ng kasiyahan sa atin ang nakakatulong upang matupad ang ng kahit konti ang ating pinangarap noon. Sa pamamagitan nito, makakayanan nating bawasan ang stress o anumang kalungkutan na nararanasan. Hindi naman kailangan buong araw ang gugugulin upang mapangalagaan ang sarili. Ilaan ang kahit 15 hanggang 30 minuto bago, sa gitna o pagkatapos ng tr...
Madalas tayong napapabilib dahil ang mga artista ay may makikinis na kutis but do you wanna know their secrets? i'll give you some ideas para kuminis na rin skin mo! HUWAG KANG KUMAIN NG SOBRANG OILY NA PAGKAIN like Pizza, fries, potato plus iwasan mo rin ang peanuts at junkfoods dahil nakakapimples yan teh MATULOG KA NG MAAGA magbeauty sleep ka teh tignan mo si sleeping beauty jusko walang pimples dahil laging tulog hahahahjoke WAG KA GUMAMIT NG MADAMING PRODUCTS SA FACE MO wag ka masyado maniniwala sa mga skincare routine sa youtube jusko kung hindi kapad o ayaw ng skin mo dun sa product, magpipimple breakout pa hirap pa naman tanggalin niyan. You can simply use safeguard gurl effective yun. WASH YOUR FACE BEFORE MATULOG AND PAGKAGISING Before matulog as in bago talaga matulog, pagkahugas mo ng mukha mo wag ka na humarap sa temptations tulad ng mga gadgets para makatulog ka agad. MAGPALIT KA NG PUNDA NG UNAN OR BEDSHEET sheet talagaaaaaa jusko try mo palitan punda mo ...
Comments
Post a Comment