LIMANG PARAAN PARA MALAMAN MO KUNG IKAW AY MAY HEPA





Ang iyong atay ay matatagpuan sa itaas na parte ng iyong tyan na gumaganap ng maraming mahahalagang gawain na nakakaapekto ng metablosimo sa iyong katawan. Isang uri ng sakit sa atay ay ang HEPA.

Ang hepatitis o mas kilala bilang hepa ay ang pamamaga ng atay na bunga ng paginom ng alak, droga, o iba pang medikal na kondisyon.Ngunit sa ibang kadahilanan ito ay sanhi ng virus na nakakahawa at may iba ibang uri tulad ng Hepatitis A, B at C. Minsan hindi nagpapakita ng sintomas ito dahil bigla nalang lumalabas ang sakit o baka napagkakamalang flu o trangkaso ito dahil sa kaparehas na sintomas, kaya kapag nakaranas ng ganitong mga sintomas magpunta agad sa doktor upang magamot agad at hindi makahawa pa sa iba.

 

Paninilaw ng balat at mata

Ito ay nabubuo kapag sumobra ang bilirubin na nalilikha sa pamamagitan ng pagkasira ng patay na blood cells sa iyong atay. Ang atay ang karaniwang nagaalis ng bilirubin kasama ang mga maduming red blood cells kaya kapag hindi gumagana ng maayos ang atay natitira ang bilirubin na nagbibigay ng kulay dilaw na anyo sa iyong balat.

Sakit ng tyan

Minsan yung sakit sa itaas na parte ng tiyan ay kumakalat sa ibang parte kaya naman hindi malaman kung ano talaga ang sumasakit na nagsasanhi ng sakit sa tyan na nagreresulta ng medyo matinding paghihirap. Para maiwasan ang sakit ng tyan kumain ng masustansyang pagkain at subukang magehersiyo para mapabuti ang pisikal na paggana.

Pagkahilo at pagsusuka

Nahilo at nasusuka ang isang taong may hepa dahil sa tubig na namumuo sa tyan, at nadaragdagan ang pamamaga at sakit na nararamdaman sa tyan galling sa pamumuong iyon. Upang hindi maranasan ang sintomas na ito umiwas sa matinding ehersisyo at subukan nalang ang mga hindi masyadong nakakapagod.

Walang ganang kumain

Bago lumabas ang iba pang sintomas unti unti ng nawawalan ng gana kumain ang isang tao sunod ang pagkapagod at pagkahilo at pagsusuka, para lamang itong trangkaso ngunit hindi pwedeng balewalain dahil ito ay may kaakibat na impeksyon kaya magpatingin agad sa doctor kung maaari.

 

Masakit ang mga kasusuan o joints

Ang autoimmune na tugon ng katawan sa virus na nasa atay ang napapasakit sa kasukausan at dahil sa kumakalat ang virus kaya naapektuhan ang ibang parte ng katawan. Para maibsan ang sakit ay huwag masyado gumawa ng pisikal na gawain.

 

Ito ay lima lamang sa sintomas ng hepa, mas mabuting bisitahin ang iyong doktor para mas malaman kung ano nga ba ang makakatulong sa iyo. 


Comments

Popular posts from this blog

Mga Bagay Na Dapat Gawin bago Matulog sa Gabi!

SANAYIN ANG PAG-AALAGA SA SARILI PARA SA MAGANDANG KALUSUGAN!

Kutis Artista