SANAYIN ANG PAG-AALAGA SA SARILI PARA SA MAGANDANG KALUSUGAN!

 

Lagi ka bang nakakaramdam ng pagod stress? Lagi pang puyat? Masyado na tayong maraming naiisip kaya naman minsan hindi na napapansin ang isang importanteng bagay na kailangan pagtuonan ng pansin, ang pag-aalaga sa sarili.

 

Ang pangangalaga sa sarili ay pagpansin sa pangkalahatang kalusugan mapa-pisikal man yan o mental sa pamamagitan ng pagrelaks, detox, paghahanap ng inspirasyon o pagkilala sa sarili pati na rin sa ibang tao.

 

Kung uugaliin lang natin ang pag-aalaga sa ating sarili siguradong mapapanatili na natin ang pisikal at mental na kalusugan. Ang paglaan ng konting oras para sa mga gawaing nagbibigay ng kasiyahan sa atin ang nakakatulong upang matupad ang ng kahit konti ang ating pinangarap noon. Sa pamamagitan nito, makakayanan nating bawasan ang stress o anumang kalungkutan na nararanasan.

 

Hindi naman kailangan buong araw ang gugugulin upang mapangalagaan ang sarili. Ilaan ang kahit 15 hanggang 30 minuto bago, sa gitna o pagkatapos ng trabaho. Ang night routine, yoga, spa o anupamang aktibidad na nakakatulong upang makarelaks sa iyo ay magandang option para saiyo.

 

 

Narito pa ang listahan na kung saan hindi nakakapagod o magandang gawin upang mawala ang stress. Suriin ang listahan sa ibaba para sa mga ideya na maaaring gumana para sa iyo!











Comments

Popular posts from this blog

Mga Bagay Na Dapat Gawin bago Matulog sa Gabi!

Kutis Artista