Nalalapit na bagong movie ng KathNiel napakaraming fans ang nagaabang!
“For the persons we said we’d be by this time. And for those who believed in us, naging tayo man ‘yung mga taong ‘yun ngayon o hindi pa. #TheHowsOfUs “ Iyan ang caption ni miss Carmi sa kanyang Instagram post.
Pati ang kanilang director na si Direk Cathy ay masaya sa dahil nakatrabaho niyang muli ang loveteam. “I am so happy that I’m back with KathNiel. Alam naman natin kung gaano ko kamahal ‘tong mga ‘to. And I am so excited, ‘di lang excited, happy that I’ll be working with them again. And, will be trying on new characters ngayon, eksperimento.” Sabi niya sa isang interview kasama ang dalawa. Ang kanilang bagong karakter umano ay malapit naman sa buhay ng dalawa.
Kasama rin sa movie ang sikat na singer na si Darren Espanto na inamin ring matagal na siyang fan ni Kathryn at gustong gusto niya daw mapasama sa movie kahit napadaan lang daw ngunit siya ay isa sa pinagpala dahil magiging kapatid umano siya ni Kath sa movie.
Ayon rin sa ilang mga post at usapan, magshoshoot umano ang dalawa sa Amsterdam at Indonesia. Mukhang maeenjoy ng napakaraming fans ang pelikulang ito!
Pero may ilang usap-usapan na ito na raw ang huli nilang movie? Mukhang hindi aagree ang mga fans dahil magmula ng nilabas ang date kung kalian ang showing ng kanilang movie ay lagi na silang trending sa twitter!
Bukas, July 11, 2018 patungo sila sa Amsterdam upang magshoot ng ilang scenes. Sino ang mga excited? edi kaming mga fans!!
Nitong nalalapit na August 29 2018 Abangan sina Primo at George sa inyong mga sinehan.
Comments
Post a Comment