5 Sikat na Celebrities na May Flawless Skin!
Siguro ay hinangad na rin ng iba maging katulad ng kanilang
paborito o sinusuportahan. Sa kanilang
walang pimple na mukha at makinis na balat na bigla ka
nalang mapapasabi “how to be you?”
Madalas nating makita ang mga celebrities na nakamake-up,
yung iba ay para itago ang kanilang mga flaw at mas lalong tumaas ang
confidence. Mayroon naming ibang kahit hindi na lagyan ng make-up ay salamat sa
genes, mabisang skincare at malusog na pamumuhay.
Ito ang ilang celebrities na may flawless skin:
Marian Rivera
\
Sa edad na 33 mukha parang hindi tumatanda si Marian Rivera
dahil sa kanyang baby soft, smooth skin. Nakakacontribute
rin sa maganda niyang kutis ang kanyang genes dahil may lahi siyang espanyol ngunit
ayon sa superstar mismo, ang pagpapanatiling maganda ang kanyang balat ay
talagang nangangailangan ng maraming pagsisikap.
Coleen Garcia
Kabilang sa maraming may magandang kutis na kababaihan na hinahangaan ay si Coleen Garcia. Kahit walang make-up ay
napakaflawless pa rin niya. Sa kanyang glowing
skin tila nagmumukha pa rin siyang bata at malusog araw-araw. Ano ang
kanyang sikreto? Ang iba’t ibang epektibong skincare na kanyang ginagamit.
Kim Chiu
Maraming nakakaalam na may lahing Chinese si Kim at dahil rin
doon maganda ang kanyang kutis ngunit paano na iyon napapanatili Sa kabila ng
kanyang busy schedule? Hindi niya pinapabayan ang kanyang kutis at binibigyan
ito ng nararapat na skincare. Isa sa kanyang ginagawa ay ang paglagay ng ice
bag sa kanyang mukha para maiwasan ang pimple breakouts.
Sunshine Cruz
Sa kanyang flawless na balat, at sa edad na 40 taong gulang
kutis bata pa rin si Sunshine Cruz. Hindi mo aakalaing tatlo na ang kanyang
anak. Ang kanyang sikreto? Healthy lifestyle tulad ng pagkain ng gulay at
prutas, excersise at balanced diet.
KC Concepcion
Ang magandang genes nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby
Concepcion ay kitang kita kay KC. Siya ay pinagpala sa pagkakaroon ng magandang
balat. Kahit nakikita siyang nakasuot ng make up halos lahat ng oras, flawless
pa rin siya kahit walang make up. Isa sa
kanyang sikreto ay coconut oil at Korean products
Comments
Post a Comment