Mga Masiyahing Artistang Hindi Mo Inakalang Nilabanan Ang Depresyon.



Sa kabila ng mga nakakahawang ngiti ng mga artistang ito, katulad lang din natin sila: mga ordinaryong tao na hinaharap at nilalabanan ang depresyon ng pakonti konti

Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization, may 350 milyong tao nakakakaranas ng depresyon ngayon. Ang katotohanang hinidi lamang nagnggigising sa tao ngunit ito ay nakakagambala. Kahit na ang mga kilalang Pilipino ay naranasan na ito minsan o higit pa sa kanilang buhay.

Narito ang Limang artistang nakaranas nan g depresyon ngunit kinaya pa rin nilang labanan:

Nadine Lustre
Ang katambal ni James Reid na si Nadine Lustre ay nakaramdam nan g depresyon at napahayag niya itoo noong October 2015 nang nagpost siya ng isang litrato sa kanyang Instagram ngunit ito ay nadelete na. Mayroon itong caption na "It's gotten to the point where I don't know who I am anymore. I constantly feel like I'm on the verge of breaking down. I feel like my mind is going crazy, and if my mind is an ocean, my thoughts are a tsunami. I can't sleep, I can't concentrate, I can't even think straight. I am a mess. I'm coming apart at the seams and it scares me."
At sa isang interview ni Gretchen Fullido inamin niyang Nadepress siya, ang dahilan ay personal at hindi ang kanyang career. Kasama niya si James Reid sa interview na iyon at ipinahayag din na naranasan na niya ang nararanasan ni Nadine at binigyan niya ito ng advice. “You just got to keep your eye on prize. Remember why you are doing this, your reason,” sabi ni James kay Nadine, tulad ng sinipi mula sa ABS-CBN News.

Vhong Navarro
Isa sa Showtime host, komedyante, actor at singer na si Vhong Navarro ay inamin din na naging depressed dahil sa nangyari noong September 17 2014 na kung saan napalaya agad ang tatlong sangkot sa kasong Mauling na sina Denice Cornejo, Cedric Lee and Zimmer Raz.
"Siyempre nalungkot. Nadepress. Naiyak nga ako noong gabi. Di ko alam san nanggaling yung luha bigla na lang bumagsak. Ngayon, unti-unting nagsisink-in ulit. Kasi siyempre, ito na nga yung pamilya ko, babalik dun sa kung ano yung naranasan ko sa loob nun condominium. Yung mga paratang na binigay sa akin, 'di ba yung pagtututok sa akin ng baril, yung kung anong sinabing pwedeng mangyari sa pamilya ko at sa akin,” pagsasaad ni Navarro, ayon sa Push  

Sharon Cuneta
Si Sharon Cuneta na kinikilalang Megastar ng Pilipinas ay laging bukas sa impormasyon para sa kanyang mga fans, nagbibigay siya ng mga update sa kung ani ang nangyayari sa kanyang buhay. Kaya naman noong nakaranas siya ng depresyon ay sinabi niya ito sa kanyang mga fans o tagahanga sa Facebook noong August 18 2014. Inihayag niya na natulungan siya ni Judy Ann malampasan ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng mensahe sa text at nagpasyang bisitahin siya na nakapagbigay sa kanya ng saya sa puso.

Angelica Panganiban
Apat na buwan na ang nakalilipas, iniulat ng ABS-CBN News kung paano nadama ni Angelica Panganiban ang depresyon at kung gaano niya kagustong umalis na sa showbiz. “Depressed na depressed daw siya to the point na gusto na niya mag-quit sa showbiz at doon siya manirahan sa America with her family. ‘Di ba na-meet naman niya 'yung father niya? Parang gusto na daw niya mag-quit sa showbiz,” pagsasaad ni Jobert Sucaldito isang DZMM ‘Mismo’ Anchor.

Vice Ganda
Isa ring host ng Showtime at komedyanteng si Vive Ganda ay nakaranas ng depresyon noong 2013. Gusto na rin daw niyang mamatay noong 19 years old pa lamang siya "Sa lahat ng mga batang may pinagdadaanan, kung ano man ang pinagdaanan ko noon, kung ano man ang pangit na binabalak niyo, ‘wag niyo ituloy. Sayang dahil may maganda palang plano ang Diyos, mas maganda sa mga pinaplano natin," saad ni Vice, ayon sa PEP

Sabi pa ni Vice, ayon sa ABS-CBN News "Nilamon ako ng depression na hindi ko ho maintindihan. So natulog ako. Paggising ko malungkot pa rin ako kaya hindi ako nakapasok sa ‘It’s Showtime.’ Inisip ko, bakit ba ako nalulungkot? Iyak lang ako ng iyak. Tumitingin ako sa paligid ko, lahat nagco-congratulate sa akin kasi sobrang successful ko, pero bakit hindi ako masaya? Bakit ang lungkot lungkot ko ilang lingo na? Tapos tinignan ko ang paligid ko tapos na-realize ko, wala pala akong kasamang pamilya. Sabi ko nasaan na yung nanay ko, yung lolo ko, yung mga kapatid ko? Sa sobrang tutok ko pala sa trabaho ko, kung paano ako magiging successful, kung paano ako magiging magaling, mayroon pala akong pamilyang napabayaan na hindi ko napansin wala na sa tabi ko.”

Sabi rin niya nang ininterview siya ng ABS CBN News noong May 3 ay umabot daw ito sa puntong kailangan na niyang magpatingin sa doctor dahil hindi siya nakakatulog, nagkakaroon ng anxiety attack, at nahihirapan na sa trabaho. Dahil ditto muntik na niyang iwanan ang pagaartista at nagbago ang kanyang pananaw ng kausapin siya ng celebrity couple na sina Regine Velasquez At Ogie Alcasid. At naging masaya daw siya dahil nalampasan niya ang pagsubok at nagpasalamat dahil patuloy siyang nagpapasaya ng ibang tao.  

Comments

Popular posts from this blog

Mga Bagay Na Dapat Gawin bago Matulog sa Gabi!

Girl Illustrations

6 Movie Lines You'll Never Forget! (PH)