Limang Pinoy Showbiz Love Team Na Naging Real-Life Couples
Narito ang 5 love teams ng tanyag na tao dahil ang kanilang onscreen
romance ay nangyari sa totoong buhay:
Tom Rodriguez and Carla Abellana
Sa isang heavy-drama series na ‘My husband’s lover’ unang
nagkatrabaho ang dalawa. Gumanap sila bilang mag-asawang Lally at Vincent, na
ang relasyon ay nanganganib dahil sa ex-boyfriend ni Vincent na si Eric na
ginanapan ni Dennis Trillo.
Pagkatapos , ang kanilang love team ay napasali sa listahan
ng ‘most-sought love teams of all time.’ Nang sumunod na taon ng natapos ang
seryeng ‘My Husband’s Lover,’ naging pares silang muli sa isang seryeng 'My
Destiny'. Noong 2014, inamin ni Tom sa madla na nililigawan niya si Abellana at
hindi nagtagal nang sinabi niya na si Abellana ang uri ng taong gusto niyang
makasama habang buhay.
Gerald Anderson and Kim Chiu
Ang KimErald ay hindi nagumpisa tulad ng ibang celebrity
relationships. Ang kanilang relasyon ay nagsimula bago pa man sila sumikat. Una
silang nagkakilala sa reality show na ‘Pinoy Big Brother. Nang ang kanilang
pangalan ay nagsimulang mag-ingay sa industriya, gumanap na silang love team sa
iba’t ibang pelikula at teleserye na naging phenomenal. Sa kasamaang palad, itinigil
ng dalawa ang kanilang apat na taong relasyon dahil sa hindi sinabing rason.
Ngunit ang love team na KimErald ay hindi pa nawala dahil kumakailan lang ay
gumanap sila sa kanilang PrimeTime teleserye, ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’.
Erich Gonzales and Daniel Matsunaga
Una silang nagkatrabaho sa remake ng two wives ng pumasok sa
eksena si Daniel Matzunaga noong 2014. Sinasabi umanong nagkikita ang dalawa
ngunit patago. Inamin nilang may relasyon sila noong 2016 at inihayag ang
pagsusuporta nila sa isa’t isa sa mga fans. Nagkaroon sila ng kanilang teleserye
sa umaga na kung saan sila naman ang bida. Sa kasamaang palad naghiwalay ang
dalawa noong Pebrero 2017 at ang dahilan ay hindi pa nabubunyag.
James Reid and Nadine Lustre
Nagsimula sila sa showbiz noong 2014 ng pareho nilang
gampanan ang movie adaptation ng isang sikat na wattpad story na pinamagatang
‘Diary Ng Panget’. Ang pelikula ay naging sikat sa masa na nagresulta sa
paggawa nila ng ‘Talk Back and You’re Dead’ ilang buwan lamang pagkatapos ng
paglabas ng kanilang unang pelikula. Mula noon tinagurian na silang ‘JaDine’,
pinaikling James at Nadine. Naging real-life couple sila noong 2016 ng tinanong
ni James si Nadine sa kanilang post-Valentine concert sa Araneta Coliseum. Pribado
naman nilang ipinagdiwang ang kanilang 1st Anniversary noong Pebrero
2017.
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Comments
Post a Comment