Kilalanin ang Napaka Gwapong Kapatid ni Sandara Park!




Kilala niyo naman siguro si Sandara Park? Ang famous celebrity na naging myembro ng 2NE1 at sa ngayon ay South Korea singer, actress and television presenter. Ang simula ng kanyang career ay noong 2004 sa Pilipinas nang sumali siya sa Star Circle Quest Season.

Kilala man ng iba, pero ipapakilala ko sa hindi nakakakilala ang kanyang poging kapatid na nagngangalang Thunder Park. Ang kanyang totoong pangalan ay Park Sang Hyun at nakuha ang kanyang nickname ng sumali siya sa boy band ‘MBLAQ’





Base sa mga article na napublish ng Philippine Scoop, Iniwan ng kapatid ni Sandara ang nasabing grupo noong 2014 para ipagpatuloy ang pag-aaral ng musika.

Lumipas ang isang taon, pumirma siya ng kontrata sa Mystic Entertainment. Nang sumapit ang panibagong taon, nakapagrelease na siya ng kanyang album at bumalik na rin sa pag-aacting.


At nitong nakaraang taon lamang, kasama ang kanyang kapatid binisita nila ang Pilipinas at nagkaroon ng masayang experiences sa iba’t ibang tourist destinations dio.

Inamin ni Sandara sa interview na hindi sila gaanong close ng kanyang kapatid pero nang nagbakasyon sila dito sa Pilipinas ay mas naging malapit na sa isa’t isa.

““Actually, it was kind of awkward because our age gap is kind of big, it’s like six years. So, before he really used to be a baby so I always carry him, I feed him. So now I cannot believe that he’s grown now. We’re not that close. I mean we don’t go out together or go on vacations together. So, this time it’s very special. But we never fight. He’s really a good boy,” kwento ni Sandara.







Nagteam up umano ang dalawa para sa kanilang “One Night Food Trip International” mission. Ito ay kanilang show sa South Korea na naglalaman ng mga topic tungkol sa food at travel.

“Nung una I was really worried because this show is about food. It’s a food competition and we both have small appetites. So, we just have fun and try our best and really have fun there,” patuloy na kwento ni Sandara.

Sa kabilang banda, Masaya si Sandara na nadala niya ang kanyang kapatid sa Pilipinas at malibot ang magagandang lugar tulad ng Palawan.


Sa ngayon may bali-balitang babalik sa bansa si Sandara kasama naman ni Nam Joo Hyuk ngayong July na sponsored by Penshoppe abangan ang ibang updates tungkol doon.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Bagay Na Dapat Gawin bago Matulog sa Gabi!

Girl Illustrations

6 Movie Lines You'll Never Forget! (PH)