Alamin kung Ano ang Nasa Likod ng Pagkakaroon ng Bagong Patakaran ng Starbucks
Nitong last Saturday
lang, nagkaroon ng bagong patakaran ang Starbucks na maari ng maghang out at
gumamit ng restroom sa kanilang café kahit wala nang binibiling pagkain o
anumang inumin.
Ayon sa article na pinublish ng inquirer, naipatupad ang
patakaran dahil may naarestong dalawang lalaki sa Philadelphia Starbucks dahil
walang kahit anong binili sa café.
Noong April 12, May dalawang lalaki na nagngangalang Rashon
Nelson and Donte Robinson ay naghihintay daw ng kanilang kasama para sa isang
meeting.
Ang isa sa kanila ay hindi pinayagang gumamit ng restroom
dahil wala raw amuno itong binili, tumawag naman ng pulis ang isang worker kaya
sila naaresto.
Sa loob ng ilang oras, na nakakulong sila ay may nagpost na
ng nangyari sa café. Naging viral naman ito at nakakuha ng samu’t saring
kumento mula sa mga tao.
Sa nangyari, naapektuhan ang imahe ng Starbucks. Ito ay dapat itinuturing na isang socially conscious company.
Matapos ang kahihiyan ay nagkaroon daw ng agreement ang kumpanya at ang dalawang naaresto na hindi naman sinabi sa publiko.
Sa ngayon nagdesisyon ang mga store managers kung papayagan nila ang mga taong makiupo sa cafe at gumamit ng restroom dahil ayon sa kanila ay walang malinaw na rules tungkol dito.
Nasabi rin na dapat ituring ng mga workers na customer ang mga taong napapadaan sa store nila, “regardless of whether they make a purchase.”
--xoxo--
Disclaimer: All the images and other contents used in this page is not mine, so if happen that your photo was posted please email me immediately so we can give credits or remove it.